Sinasabing handang-handa na ang Commission on Election (COMELEC) para sa kompyuterayst eleksyon sa taong ito ng 2010. Pero sa totoo lang, wala pa akong ideya kung paano talaga isasagawa ang sinasabing kompyuterisasyong ito.
Minsan, noong Nobyembre, 2009, may nakasakay ako sa traysikel. Isa raw siyang empleyado sa COMELEC-Manila. Kaya naitanong ko ang tungkol sa darating na eleksyon.
"Kung ganyang reding-redi na pala ang COMELEC at kompyuter na ang gagamitin, ibig po bang sabihin, hindi na uupo sa eleksyon ang mga guro?"
"Kailangan pa rin sila. Uupo pa rin sila," ang sagot niya.
Tinanong ko uli siya kung kailan naman i-u-oryent ang mga titser pero di pa raw niya alam.
At hanggang ngayon wala akong balita kung paano at ano ang gagawin ng mga titser sa araw ng eleksyon. Kasi, hindi rin naman lahat ng mga dating lugar ng voting precincts ay gagamitin.
Naku-kyuryos lang naman ako kasi marami pa ring mga titsers ang hindi marunong sa kompyuter. Sabagay, bisi pa naman ang mga eskwelahan ngayon kaya siguro ang pagsasanay sa kanila ay gagawin pa sa bakasyon - sa Abril.
Isang pang iniisip ko ay kung magiging malinis nga ba ang eleksyon o mas malawakang dayaan at kapalpakan lamang ang kahihinatnan ng Eleksyon 2010?