ni Dionisio S.
Salazar
(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y
dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung
bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony (Binatang bilanggo)
Luis (Ang kanyang ama)
Erman
Doming (Mga kapwa bilanggo)
Bok
Padre Abena (Isang pari ng bilibid)
Miss Reyes (Isang Nars)
Isang Tanod
PANAHON:
Kasalukuyan
TAGPUAN:
Isang panig ng
pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS :
Umaga
PROLOGO :
Pambansang
Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming
pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong
buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa
sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at
umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa
kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong;
dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito.
Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang
marikit at makulay na kasaysayan…
Pagbubukas ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng
pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang
makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa
gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing
kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting
durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod,
kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang
nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang
bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si
Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at
waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan
minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin
si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga
malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa
naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan
naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik
ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens!
Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni
Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan,
gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata
ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony
ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en
only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!…
(Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang
iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga
barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big
House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit
pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t
nagalaslas ang imong tiyan, ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony)
Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver
Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng
saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko
ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako
kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay
tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A,
kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony )
mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna
nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbo ng … Naisip kong
walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre
Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi
pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony;
sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun –
milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta
‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero
gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa
relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay
masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung
walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang
pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa
taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga
mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong
diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila
Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa
kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si
Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera.
Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya
nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko;
meron siyang kerida . Natural, nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami.
Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang
solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay
naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa
barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok
ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang
natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti
nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nagpagbabasa ako roon.
Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip.
Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan
kaya. Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama
kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O
nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama
kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming
tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking
kapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at
magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi
napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring
patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang
saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin.
Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat
kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain.
Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak
(Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa
(Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal ditto, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy
kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. –
na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay
Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral,
mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at
iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng
hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malayo naman akong
nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami
kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong
nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak
… Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang
ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag
– aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka
tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang
totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan.
Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni
Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil
sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan …
Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y
makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantalan Yaong
walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan.
Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na
takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay
walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang!
Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso …
Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . .
Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di
ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan: Ang binigkas
mong tula’y –
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa
niyon.
Ernan: Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y
kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga
sinulat ko rito.
Doming: Anong
pamagat?
Ernan Sinag Sa Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay
sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon! …
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung…
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang
pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin istorya mo
naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon sa
pahiwatig ni BOK)
Doming Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon.
Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat
pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita
ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim
hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko
siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang
bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga
sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni
Bok.
Bok (May pananabik) Ber, ang im
Bok (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris
mo Tony?
Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni
Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail …
Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos
pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!
Ernan Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya
makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang
Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis,
nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas o
dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang
suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rin ang kanyang kagandahang lalaki.
Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y
ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad
mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony.
Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony.
Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawang
mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang
kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong
ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang,
may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga
sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang
sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang
paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman
mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang
ako’y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi
rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na
taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin
mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi
ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama)
Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay
… Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit
si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpapautang
sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako.
Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako at - amin ay …
(mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na
loob … A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga
kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop
sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada,
hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong
matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay …
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat
… Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n …
Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng
mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin
nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na
dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming
mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman
!
Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay
…
Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang
kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! –
nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa
kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan kong isip. Nagyo’y –
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang
buwan kitang pinaghahanap? … At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong …
Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling
sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman)
Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na
siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony)
Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama
tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay
kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming
–ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli.
Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t
makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y
nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang
kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo
‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong
bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na
tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o
sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing
lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling
tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na
parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid.
Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang
kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may
pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa
mga ikinikilos ng kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit
hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at
tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid
ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay
batbat ng batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong
tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa
mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony.
Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok)
Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat
‘yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm…
tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan
ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A,
kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi,
sana’Y –
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang
Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” …
Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang
isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap …
nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot
at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha.
Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay
punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at
pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung dokdok! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw
na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas
na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony.
Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng
magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita
nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd?
A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy
… Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si
P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise?
Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita
malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni
Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at
masipag ang batang ‘yan. Paris mo…
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang
dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay
Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin
ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena.
Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay
mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng anak.
Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay
magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si
Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw
pagkat makasasama sa yo’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa
uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang
tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,
nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na
katahimikan . Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa
pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony
ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit
a bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari
ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na
kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba
ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y
mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang
pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may
bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahn. Pagdaraupin
naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng bahagya at pangiting
bubulong.)