Pages

Huwebes, Enero 21, 2010

Kompyuterisasyon sa Eleksyon 2010

Sinasabing handang-handa na ang Commission on Election (COMELEC) para sa kompyuterayst eleksyon sa taong ito ng 2010.  Pero sa totoo lang, wala pa akong ideya kung paano talaga isasagawa ang sinasabing kompyuterisasyong ito.

Minsan, noong Nobyembre, 2009, may nakasakay ako sa traysikel. Isa raw siyang empleyado sa COMELEC-Manila.  Kaya naitanong ko ang tungkol sa darating na eleksyon.

"Kung ganyang reding-redi na pala ang COMELEC at kompyuter na ang gagamitin, ibig po bang sabihin, hindi na uupo sa eleksyon ang mga guro?"

"Kailangan pa rin sila.  Uupo pa rin sila," ang sagot niya. 

Tinanong ko uli siya kung kailan naman i-u-oryent ang mga titser pero di pa raw niya alam.

At hanggang ngayon wala akong balita kung paano at ano ang gagawin ng mga titser sa araw ng eleksyon.  Kasi, hindi rin naman lahat ng mga dating lugar ng voting precincts ay gagamitin.

Naku-kyuryos lang naman ako kasi marami pa ring mga titsers ang hindi marunong sa kompyuter.  Sabagay, bisi pa naman ang mga eskwelahan ngayon kaya siguro ang pagsasanay sa kanila ay gagawin pa sa bakasyon - sa Abril.

Isang pang iniisip ko ay kung magiging malinis nga ba ang eleksyon o mas malawakang dayaan at kapalpakan lamang ang kahihinatnan ng Eleksyon 2010?

Biyernes, Enero 15, 2010

Reviewer - Filipino I

I.A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong pahayag na tumutugon sa sumusunod na mga
                        sitwasyon.

     _____1. Ipinakilala mo ang iyong guro sa iyong ina.
               A. Nanay ang aking guro, si Bb Castillo    C. Nanay, ang aking guro,  si Bb. Castillo.
                       B. Nanay ng aking guro  si Bb Castillo      D. Nanay, ang aking guro,  si Bb. Castillo.

    ______2. Nagyaya ka nang umalis.
         A.  Tayo na?        B. Tayo na!        C. Tayo!    D. Tayo?
    ______3.  Ipinaaalam mo sa iyong kaklase na may pagsusulit kayo bukas.
        A.  May test tayo bukas            C. May test tayo, bukas.
        B.  May test tayo bukas?            D. May test, tayo bukas.
   ______4.  Nangatwiran kang hindi si Juan ang kumuha ng pera.
                    A. Hindi, si Juan ang kumuha ng pera.   C. Hindi si Juan, ang kumuha ng pera.
                    B. Hindi si Juan, ang kumuha ng pera.   D. Hindi si Juan ang kumuha ng pera!
   ______5.  Tinanong mo sa iyong kamag-aral kung naglinis na sila ng silid-aralan.
        A.  Naglinis kayo ng silid-aralan!    C. Naglinis na ba kayo ng silid-aralan?
        B.  Naglinis kayo, ng silid-aralan.    D. Maglinis kayo ng silid-aralan.

II.Panuto: Basahn at unawing mabuti ang texto.  Pagkatapos, piliin ang titik ng tamang
                   sagot sa sumusunod na mga tanong.
 Pera sa Basura
     May pera sa basura.  Huwag mong pagtakhan iyan.
     Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan.  Tiyk na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan.  Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo naming ipagbili.  May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging patba sa lupa.
Tuny na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging kapaki-pakinabang.
         ______6.  Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?
                          A. informative    B. argumentative    C. prosijural        D. narativ
     ______7. Anong kaisipan ang nais iparating ng texto sa mga mambabasa?
                         A. may pera sa basura        C. yayaman sa basura
                         B. magtatrabaho para kumita                D. mamulot ng basura
     ______8.  Alin sa mga salita ang di-formal?
                        A.  sulat    B. bukas    C. tamnan    D. wala sa mga nabanggit
     ______9.  Ang  salitang ito ay tumutukoy sa
                       A. pera    B. basurahan      C. nabubulok na pagkain    D. di-nabubulok
     _____10.  Ano ang ibig sabihin ng  salitang may salungguhit sa ikalawang talata?
                          A. ibenta    B. itago    C. itapon    D. ipamigay

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang texto.  Pagkatapos, piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na mga tanong.

“Sa Wika Nag-uugat ang Diwa ng Bansa”

       Kailangan nating mag-aaral ng mga wikang dayuhan, para lumawak ang ating kaisipan at diwa.  Anuman ang ating masagap mula sa ibang bansa, dapat itong maisalin at maiugnay sa buhay ng Pilipino para pakinabangan ng nakararami.  Sa ating kalagayan bilang isang maunlad na bansa tinatwag na pangatlong daigdig.  Habang pinangangalagaan ng isang bayan ang isang sariling wika, magsisilbi itong panata ng kalayaan.  Kagaya rin ng isang taong nananatiling Malaya, para makaya niyang mag-isip para sa kanyang sarili.
       Ang wika ang paraan ng pag-iisip ng isang bayan.  Sa wika nag-uugat ang diwa ng bansa.  At kung matatag at mayaman ang diwa maaaring mamumulaklak ang katangian ng lahi, mga katangiang atin at namumukod tanging atin.   

____11.  Ano ang paran ng paglalahad ang nabasang texto?
        A. persweysiv          B. prosijural    C. informative    D. narativ
____12.  Nilalayon ng textong binasa na
        A. umangat sa ibang bansa            C. maisadiwa ang ating wika
        B. makilala tayo sa buong mundo        D. matuto ng ibang wika
____13. Alin ang nagsasaad ng pagkamakatotohanan ng texto?
        A. pangalagaan ang wika            C. manatiling malaya ang wika
        B. mahalin ang sariling wika        D. lahat ng nabanggit
____14.  Ano ang mensahe ng nabasang texto?
        A.  alalahanin ang ating kabuhayan     C. manatiling malaya ang wika
        B. patatagin ang lahing Pilipino        D. palawakin ang kaisipan
____15.  Anong kaisipan ang katanggap-tanggap sa texto?
          A. totoong kailangang mag-aral ng ibang wika
          B. dapat mapaugnay ang wika sa sambahayan
          C. kailangang pangalagaan ng ibang bansa ang wika
          D. magkaisa sa paggamit ng wika at kabuhayan.

   III.Panuto: Lagyan ng tesk (/) ang bilang ng salitang may KLASTER at ekis (X) naman
                         ang salitang may DIPTONGGO.
               _____16. reyna                _____21.  pwede
               _____17.  plaslayt            _____22.  bloawt
               _____18.  tseke                _____23.  prito
               _____19.  araw                _____24.  aliw
               _____20.  edukasyon

Panuto:  Salungguhitan  nang isang beses  ang sanhi at dalawang beses naman ang bunga
25-26.    Mabilis na lumaganap ang apoy gawa ng nakaimbak na pulbura.
27-28.    Nagulantang ang mga batang nahihimbing nang biglang sumabog ang pabrika.
29-30.    Dahil sa agapang pagresponde ng mga bombero, agad namang naapula ang sunog.

Panuto:  Piliin sa loob ng  sumusunod na mga pangungusap ang salitang maaaringbaguhin ang anyo
   at isulat sa tapat nito ang pagbabagong morpoponemiko.
31-32. Kailangang takipan ang mga pagkain para di langgamin.
33-34.  “Heto na si  Andres, dumadating na,” sabi niya.
35-36.  Singbilis ng  kidlat ang kanyang pagdating.
37-38.  Madumi ang kanyang damit nang dumating kagabi.
39-40.  Lubhang napakabuti ng Panginon sa paglikha ng malawak na kadagatan.
41-42.  Singtigas ng marmol ang kanyang puso.
43-44.  Pangbihira ang galing na ipinakita ni Andres sa tagisan ng talino.

Panuto:  Piliin ang pariralang nagpapakita ng kaganapan ng pandiwang tinutukoy sa
   loob ng panaklong.
     _____45.  (layon)  Namigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo ang pangulo.
     _____46.  (tagaganap) Tinulungan ng iba pang samahan ang alkalde ng bayan.
     _____47.   (direksyon) Nagbigay sila ng mga  pagkain at damit sa mga nasunugan.
     _____48.  (sanhi)   Naiyak ang mga nasalanta ng bagyo sa kabaitan ng pangulo.
     _____49.  (ganapan)  Nagpulong sa munisipyo ang mga konsehal.
     _____50.  (tagatanggap)  Gumawa sila ng pansamantalang tirahan para sa mga nasunugan..
 Panuto:  Isulat ang A kung ang mga pahayag o ideya ay magkatulad at B kung
                   magkasalungat.Pink Neko Cosplay
_____51.  Higit na dakila ang gawaing pagtuturo sa lahat ng uri ng gawain.
_____52.  Di karapat-dapat ang pagpapalabas ng mga pelikulang walang kapupulutang
                  aral.
     _____53.  Totoong malaki ang inilalaang badyet ng gobyerno sa ahensya ng Edukasyon.
     _____54.   Tutol ang ilan sa mga patuloy na pagdami ng mga Pilipinong naghahanapbuhay
                        sa ibang bansa.

IV. Pagsulat
    Panuto:  Sumulat ng isang kawili-wili o nakatutuwang sariling karanasan na kinapulutan ng aral.

Huwebes, Enero 14, 2010

Mga Salawikain at Kasabihan

Mga Salawikain:
1.   .Ang ibong magkakabalahibo
     Ay sama-samang magkakalaguyo
Kahulugan:  Nagiging magkasundo at laging magkakasama ang mga tao na magkakapareho ang paniniwala, hilig gawain, mithiin at iba pa..
2         Ang pinakamahusay na bahagi
           Ng alin mang gawain,
           Ay ang pagsisimula.
Kahulugan:      Madali ang magplano ngunit ang mahirap ay ang unang hakbang ng pagsasakatuparan nito.  Ngunit kapag nasimulan na, mas madali na itong ituloy at tapusin.                                                                  
3.     Ang taong mapagtanong,
            Daig ang marunong.
Kahulugan:  Nadaragdagan kasi ang karunungan ng taong mapagtanong ng mga bagay na hindi pa niya alam.  Ang tao namang marunong, nananalig na lamang sa sariling karunungan at kahit di alam, hindi na magtatanong sa pangambang bumaba ang pagkakilala sa kaniya ng ibang tao.
4.     Di man magsabi't magbadya,
    Sa kilos makikilala.
Kahulugan:  Mas epektibong magpakita ng saloobin sa pamamagitan ng gawa kaysa pagsasalita lamang.
5.     Bangko niya, Buhat niya.
Kahulugan:  Nananagot ang isang tao sa kanyang sariling gawain kaya anumang pagkakamaling nagawa o ginawa ay hindi puwedeng isisi sa ibang tao.
6.     Bahay man ay palasyo
    Kung ang nakatira'y kuwago,
    Mabuti pa'y isang kubo
    Kung ang nakatira'y tao.
Kahulugan:  Mas mahalaga ang pag-uugali ng mga taong nakatira sa isang tahanan kaysa sa rangya ng kanilang tirahan.
7.     Kapag ang katawan ay malakas,
    Diyos ay di man matawag;
    Kapag dinapuan ng lagnat,
    Santo't santa'y siyang hanap.
Kahulugan: Kadalasan, naaalala lamang manalangin ng tao kapag nasa gipit na kalagayan, may malubhang karamdaman  o may mabigat na problema.  Ngunit kapag maraming pera, maganda ang kalusugan at maayos ang buhay, puro sarili ang iniisip at hindi man lang magawang magpasalamat sa Diyos.
8.     Sakit ng kalingkingan,
    Dama ng buong katawan.
Kahulugan:  Gaano man kaliit ang isang problema, posibleng makaapekto ito ng malaki sa buhay ng isang tao. Kapag pamilya naman ang pinag-uusapan, ang problema ng isang miyembro, halimbawa'y anak, ay problema rin ng buong pamilya.
9.    Mabuti ang isang buhay na pulubi
    Kaysa sa nakalibing na hari.
Kahulugan:  Gaano man kayaman ang isang tao, wala rin silbi kung hindi na niya ito mapapakinabangan kahit kailan.
10.     Madaling tuwirin ang kawayan
    Kung mura pa at di magulang.
Kahulugan: Ang bata ay  natuturuan pa nang tama ngunit ang  matanda ay hindi na.

Mga Kasabihan:
1.    Kung hindi ukol,
    Hindi bubukol.
Kahulugan: Ang isang bagay na hindi nakalaan sa isang tao ay hindi niya makukuha anuman ang gawin niya.
2.     Bawat palayok,
    May katapat na suklob.
Kahulugan: Ang bawat bagay, pangyayari o ugali ay laging may katumbas na kabutihan o kasamaan.
3.     Ang bibig ng ilog, iyong masasarhan.
    Ang bibig ng tao'y hindi matatakpan.
Kahulugan: Maaaring pigilan ang ibang bagay sa natural na takbo nito ngunit ang likas na pagiging tsismoso o tsismosa ng isang tao ay hindi mapipigilan.
4.     Ang may mabuting kalooban
    May gantimpalang nakalaan.
Kahulugan:  Hindi napapasama ang  taong may mabuting pag-uugali. Sa halip, napapabuti ang kanyang kalagayan sa buhay.
5.     Mabuti pa ang may isang tuyong subo na may katahimikan,
    Kaysa buhay na laging pistahan na may alitan.
Kahulugan:  Kahit hindi masarap ang inuulam basta payapa ang buhay ay mas maganda kaysa masasarap nga ang pagkain pero magulo naman ang buhay.
6.    Ang pagtulak sa kapahamakan ng kapwa
    Walang kakamting ligaya at tuwa.
Kahulugan: Kahit kailan, walang naidudulot na kabutihan ang paghahangad ng masama para sa iba. Magbibigay lamang ito ng bagabag o karma sa hinaharap.
7.    Kung di pakikinggan
    Hindi magkakaunawaan.
Kahulugan:  Upang maiwasan ang pagtatalo, kailangang magbigayan sa pagsasalita at pakikinig ang bawat isa.
8.     Kapag may isinuksok,
    May mandurukot.
Kahulugan: Kapag nag-iipon, may mailalabas at magagamit sa panahon ng pangangailangan.
9.     Madali ang maging tao,
    Mahirap magpakatao.
Kahulugan:  Hindi ibig sabihin na kapag isinilang at lumaki ang isang tao ay karapatan na niyang mabuhay sa paraang gusto niya kahit may ibang taong masagasaan.  Obligasyon kasi ng bawat isa ang matuto ng mabuting pakikipag-kapwa tao
10. Ang pagsisisi ay laging sa huli.
Kahulugan: Nalalaman lang ng tao na siya ay nagkamali kapag nangyari na ito.

Lunes, Enero 11, 2010

Mga Rehiyon sa Pilipinas

Rehiyon I
Ilocos

Lokasyon          :   Hilagang Kanlurang Luzon, baybayin ng Timog Dagat  Tsina 
                            at kanluran ng  Bulubunduking Cordillera.
Sakop               :   Mga lalawigan ng  Ilocos  Norte, Ilocos Sur, La Union 
                            at Pangasinan. May walong lungsod dito: Laoag, Vigan, 
                            Candon, San Fernando Dagupan, San Carlos, Urdaneta 
                            at Dagupan.
Kabuuang Sukat :  12, 840.2 kilometro kwadrado.
Topograpiya       :  Maraming burol at  kabundukan. Malawak ang kapatagan 
                            ng Pangasinan pero ang iba ay makitid ang lupain
Klima                :  Tuyo at mainit mula Oktubre hanggang Abril. Ang ibang mga buwan  ay
                            maulan at dumaraan ang mga bagyo sa panahong ito pero hindi gaanong 
                            mapaminsala dahil sa mga bundok dito.
Salita/Diyalekto  :  Ilokano, Pangasinense
Mga Produkto:      Mga pananim tulad ng tabako, palay, bawang, bulak at iba’t ibang gulay;  
                           mga kagamitang yari sa kawayan, tulad ng upuan, basket, palamuti at iba 
                           pa; telang “abel-Iloco” na maaaring gawing tuwalya, bata de banyo, punda
                           o kurtina; nga produktong yari sa  kabibe, gaya ng lampara, ash tray,     
                           plorera, at iba pang palamuti; asin, bagoong at bangus; mga kagamitang
                              yari sa putik gaya ng burnay, banga at kalan; at ang isang uri ng alak na  
                              tinatawag na “basi”.
Rehiyon II
Lambak ng Cagayan

Lokasyon       :    Hilagang Silangang Luzon na pinaliligiran ng mga bulubundukin ng Sierra
                            Madre sa Silangan, Bundok Cordillera sa kanluran at Bundok Caraballo
                            sa timog.
Sakop             :    Mga lalawigan ng  Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
                             May tatlong lungsod ito: Santiago, Cauayan at Tuguegarao.
Sukat              :     26,837.7 kilometro kwadrado.
Topograpiya  :    Binubuo ng isang kapuluan, mga  lambak, burol, kabundukan, at baybayin.
Klima             :    Iba-iba ang nararanasang klima rito. Maulan ang hilagang bahagi nito at
                          maging sa silangan kung saan maulan sa buong taon at daanan pa                                          

                          ng bagyo, lalo na ang Batanes.  May maigsing tag-init na karaniwan ay isa
                          hanggang tatlong buwan lamang ang kanlurang bahagi nito samantalang 
                          maulan ang  ibang buwan.  Sa iba pang bahagi ng lambak ay mainit.
Mga Produkto:    Mga pananim tulad ng tabako, palay, mais, kape, mani, at mga gulay; tulad   
                             ng kalabasa, talong, kamatis, at iba pa.
CAR – Cordillera Administrative Region
“Summer Capital of the Philippines”
Lokasyon       :      Cordillera.
Sakop             :      Mga lalawigan ng  Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Mt. Province,
                               at  Baguio City.
Sukat              :      18,293.7 kilometro kwadrado.
Topograpiya  :       Bulubundukin.
Klima             :       Halos malamig sa buong taon.   
Mga Produkto :    Mga mina, tulad ng ginto, pilak, tanso, sink, at sulphur; mga pananim gaya
                            ng palay na pangunahing produkto, patatas, carrots, taro, at iba pang gulay; 
                            mga produkto ng pangangaso at paglililok; mga hinabing dyaket, sweater,
                            bahag, table cloth na gawa sa telang wool o balat ng hayop.
Region III – Gitnang Luzon
 “Banga ng Bigas ng Bansa”
Lokasyon       :     Gitnang Kapatagang Luzon.
Sakop             :     Mga lalawigan ng  Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan at
                             Bataan. May sampung lungsod – Balanga, San Jose del Monte,
                             Cabanatuian, Palayan, San Jose, Munoz, Angeles, San Fernando, Tarlac 
                            at Olongapo.
Sukat              :     18,238.8 kilometro kwadrado.
Topograpiya :      Binubuo ito ng pinakamalawak na kapatagan sa buong bansa ngunit
                             mabundok ang kanlurang bahagi nito.
Klima        :          Tag-init mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan naman mula sa mga
                             buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.
Mga Produkto:     Mga pananim gaya ng palay na pangunahing produkto, mais, tubo, at iba
                            pang gulay; mga produktong mina gaya ng chromite at mga mineral, tulad 
                            ng nickel, platinum at palladium; mga isda; at mga produktong panluwas sa
                            ibang bansa.
NCR – National Capital Region
 “Sentro ng Pamahalaan, Edukasyon, Relihiyon, Kultural at Sosyal,
at Industriya at Kalakal ng Buong Bansa”
Lokasyon        :    Nasa pinaliligiran ito ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, Cavite at
                           Laguna sa bandang Timog at Manila By sa kanlurang bahagi.
Sakop             :    Binubuo ito ng labindalawang lunsod: Manila, Caloocan, Pasay,
                           Quezon, Makati, Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa, Las Pinas,
                           Paranaque, Marikina at Valenzuela at limang munisipalidad : Malabon,
                           Navotas, Pateros, San Juan at Taguig.
Sukat              :   636 kilometro kwadrado.
Klima              :   Mainit sa mga buwan ng Enero hanggang Mayo at maulan sa ibang buwan.
Mga Produkto:     Mga produktong gawa sa balat gaya ng sapatos, bag, at sinturon
                          sa Marikina; mga produktong mula sa dagat tulad ng asin, kabibe, at isda
                          sa Las Pinas; balut sa Pateros; at mga produktong mula sa maraming
                             palaisdaan at pabrika sa Navotas, Malabon at Valenzuela.
Rehiyon IV – Timog Katagalugan o Katimugang Luzon
 “Pinakamalaking Rehiyon sa Bansa”

Lokasyon       :   Timog-kanlurang Luzon, gawing kanluran ng Karagatang Pasipiko at
                         silangan ng Timog Dagat Tsina.
Mga Sakop    :    Mga lungsod at lalawigan ng  San Pablo at Calamba sa Laguna;  Cavite;
                         Tagaytay at Trece Martires sa Cavite; Batangas, Tanauan, at Lipa  sa
                          Batangas; Calapan sa Oriental Mindoro; Puerto Princesa sa Palawan;
                          Lucena sa Quezon; at Antipolo sa Rizal.
Sukat             :   46,924.1 kilometro kwadrado.
Topograpiya :      Binubuo ng mga pulo, kapatagan, bundok, burol, at bulkan.
Klima            :    Maulan sa mga lalawigan ng Aurora, Quezon, timog-silangang Batangas,
                         Marinduque, at Oriental Mindoro. Sa timog-silangang Palawan at Romblon
                         naman ay nakararanas ng tatlong buwan na tagtuyo at tag-ulan sa mga
                         natitirang buwan.  Madalas daan ng bagyo mula sa Dagat Pasipiko ang
                         rehiyon na ito.
Mga Produkto:    Mga pananim gaya ng palay, kape, pinya, saging at iba pang  mga prutas
                         at gulay; kopra; isda; asin; karneng baka; inukit na pigurin; burdadong
                         tela;  banig; basket at sombrero;  di metal na mineral at marmol
Rehiyon V – Bicol
 “Rehiyon ng Abaka”
Lokasyon      :   Nakahimlay sa landas ng bagyo mula sa Dagat Pasipiko papuntang Dagat
                        Tsina sa  gawing Timog-Silangan ng Luzon.
Mga Sakop   :   Mga lungsod at lalawigang Legazpi, Ligao, at Tabaco sa Albay; Masbate
                        sa  Masbate; Sorsogon sa Sorsogon; at Naga at Iriga sa Camarines Sur.
Sukat             : 17,632.5 kilometro kwadrado.
Topograpiya :    Tinatawag itong tangway dahil halos naliligid ng tubig ang anyo ng lupa
                        nito. Hindi patag ang lupa. Mayroong bundok, lambak, pulo at bulkan.
Klima            :  Maulan sa buong taon at may mga bahaging halos walang tag-araw.
                       Daanan ito ng mga bagyong nagmumula sa Karagatang Pasipiko
                       patungong Dagat Tsina.
Mga Produkto:  Mga pananim gaya ng abaka, palay, niyog at pili;mga produktong dagat;
                       at  mga produktong panggubat at mineral, gaya ng ginto, tanso, at bakal.
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
 “Pinakamaunlad na Rehiyon sa Bansa”
Lokasyon  :      Pagitan ng Dagat Visayas at Dagat Sulu.
Sako        :      Mga lungsod at mga lalawigang  Roxas sa Capiz; Iloilo at Passi sa
                       Iloilo;  at Bacolod, Bago, Cadiz, Kabankalan, La Carlota, San Carlos,
                       Sagay, Talisay, Victorias, Escalante, Himamaylan, Sipalay, at Silay sa
                       Negros Occidental; Antique, Aklan, at  Guimaras.
Sukat       :      20,223.2 kilometro kwadrado.
Topograpiya  :  Malawak ang kapatagan na may mga burol at bundok sa looban nito.
                       Sa mga lalawigan nito ay may  nagdaraang mga ilog.
Klima       :       May dalawang panahon: tag-ulan at tag-araw ang malaking bahagi
                       ng rehiyon.  Tumatagal lamang ng isa hanggang tatlong buwan ang
                       tag-araw sa Capiz, Illoilo, at silangang bahagi ng Panay.
Mga Produkto:  Nangunguna sa produksyon ng asukal at pumapangalawa sa produksyon
                       ng palay sa buong bansa; isda; mga telang gawa sa jusi at pinya; at mga
                       produktong galing sa pagmimina sa kabundukan gaya ng tanso.
Rehiyon VII – Gitnang Visayas
 “Sentro ng Kalakal sa Katimugang Pilipinas”

Lokasyon   :     Pagitan ng Silangang Visayas at Kanlurang Visayas.     
Mga Sakop :    Mga lungsod at Lalawigan ng Cebu, Danao, Lapulapu, Mandaue, Talisay,
                       at Toledo sa Cebu; Bais, Canlaon, Bayawan, Tanjay, at Dumaguete sa
                       Negros Oriental; at Tagbilaran sa Bohol; at  Siquijor.
Sukat      :       14,951.5 kilometro kwadrado.
Topograpiya  :  Mabundok at maburol ngunit may mga bahaging lambak at kapatagan. ….
Klima      :       May ulan ngunit hindi marami sa buong taon. Sa ilang bahagi ay hindi
                       malinaw ang panahon ng tag-ulan ngunit maigsi lamang  ang tag-init. 
                      At may mga bahagi ring pantay ang distribusyon ng ulan sa buong taon.
Mga Produkto: Mga pananim gaya ng mais, palay, mga gulay, niyog, at asukal; mga
                      produktong galling sa pangingisda at pag-aalaga ng mga hayop; mga
                      saganang kayamanan ng kabundukan gaya ng karbon, tanso, at batong
                      lupa   na ginagawang  simento, ginto, limestone at uling.
Rehiyon VIII – Silangang Visayas
Lokasyon   :   Gawing silangan ng buong kapuluan ng Visayas; nakaharap sa
                               Karagatang  Pasipiko at nasa hilagang-kanluran nito ang Dagat Visayas.
Mga Sakop :   Mga lungsod at lalawigan ng Calbayog sa Kanlurang Samar, Tacloban at
                               Ormoc sa Leyte; Maasin sa Timog Leyte;   Hilagang Samar, Biliran,
                               Silangang Samar, Leyte at Timog Leyte
Sukat             :        21,431.7 kilometro kwadrado.
Topograpiya :        Maburol ang Samar. Mabundok at patag ang pulo ng Leyte
Klima            :        Maulan sa buong taon sa hilaga at silangan ng Samar at timog-silangan ng
                               Leyte. Halos walang tag-araw.Malalakas na pag-ulan ang nararanasan sa
                               mga buwan ng Disyembr hanggang Pebrero. Daanan ng bagyo ang
                               Silangang Samar. Ngunit may pantay na tag-ulan at tag-araw sa kanlurang
                               bahagi ng Samar at Leyte.
Mga Produkto  :    Mga pananim gaya ng palay, mais, at niyog; isda; mga mahahalagang
                               mineral tulad ng tanso, ginto at pilak; mga di-metalik na mineral tulad ng
                               buhangin, graba, at bato.
Rehiyon IX – Kanlurang Mindanao
“Zamboanga Peninsula”
Lokasyon          :   Timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas.     
Sakop               :   Mga lungsod at lalawigan ng  Dapitan at Dipolog sa Zamboanga del Norte,

                            Pagadian at Zamboanga, Zamboanga del Sur, at Basilan. 
 Sukat             :    21,051.1 kilometro kwadrado.
Topograpiya     :   Isang malaking tangway at may malawak na kabundukan at mga
                           kagubatan.
Klima                :   Maulan sa sa buong taon at napakaikli ang tag-araw.   
                                                                                                                                                                          

Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Lokasyon       :    Hilagang-silangan ng buong Mindanao
Sakop             :    Mga lungsod at lalawigan ng  Oroquieta, Ozamis, ay Tangub sa Misamis
                             Occidental;  Cagayan de Oro at Gingoog sa Misamis Oriental;
                             Malaybalay at Valencia sa Bukidnon; at Iligan sa Lanao del Norte.
Sukat              :    14,032.9 kilometro kwadrado.
Topograpiy a :   Iba’t iba ang anyong lupa rito – malawak na kapatagan, talampas,
                             makikitid at malalalim na lambak; at pulo.
Klima              :   Maulan sa buong taon at maigsi ang tag-araw.
Mga Produkto:    Nickel; troso at  kopra; mga pananim tulad ng pinya, mais, saging, kape at
                             abaka, lansones at mga halamang ugat; at mga produktong galing sa mga
                             alagang hayop na baka.
Rehiyon XI – Timog Mindanao o Rehiyong Davao
Lokasyon         :   Katimugang bahagi ng Mindanao.     
Sakop               :   Mga lungsod at lalawigan ng Tagum, Samal Island Garden at Panabo sa
                               Davao del Norte; Davao at Digos sa Davao del Sur; Davao Oriental;
                               South Cotabato,  Saranggani  at  ng Lunsod ng Davao.
Sukat                :    19,671.8 kilometro kwadrado.
Topograpiya    :    May mga bahaging mabundok, kapatagan at bulkan.
Klima               :    Maulan sa halos buong taon pero hindi daanan ng bagyo.at may
                               mga bahaging halos walang tag-araw.
Mga Produkto:      Abaka, niyog, saging, durian  at troso; orkidyas; mais, palay at pinya

Rehiyon XII –  Gitnang Mindanao
“Kamalig ng Palay sa Mindanao”
Sakop            :     Lanao del Norte, Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, Lunsod ng
                              Cotabato,  at Lunsod ng Marawi.
Sukat             :      18,498.9 kilometro kwadrado.
Topograpiya :      May mga bahaging talampas, bundok  at kapatagan.
Klima            :       Maiksi at di gaanong mainit ang tag-araw.  Madalas ding may ulan ngunit 
                               katamtaman ang lakas nito at pantay sa buong taon.
Mga Produkto:     Abaka, palay, niyog, saging, kape, mani, patatas, repolyo, beans at iba pang 
                              gulay.
ARMM – Autonomous Region in Muslim Mindanao
Lokasyon      :     Gawing hilaga ito ng Dagat Celebes,     
Sakop            :     Lanao del Sur (maliban sa Lunsod ng Marawi),  Maguindanao (maliban
                            sa  Lunsod ng Cotabato), Sulu at Tawi-Tawi.
Sukat             :     11,836.2 kilometro kwadrado.
Topograpiya :     May mga bahaging mabundok at mga pulo na napaliligiran ng dagat.
Klima            :     Maikli ang tag-init at hindi matindi ang init sa bahaging Lanao del Sur
                             samantalang  halos maulan sa buong taon bagama’t hindi dinaraanan ng
                             bagyo ang Sulu at Tawi-Tawi.
Mga Produkto:    Mga perlas, isda, bangka, kasangkapan, sandata  at mga hinabing tela na
                              ginagawang malong.
Region XIII – Caraga Administrative Region
Sakop              :    Lunsod ng Butuan at Surigao; at ng mga Lalawigang Agusan del Sur,
                               Agusan  del Norte, Surigao del Sur, at Surigao del Norte.
Sukat               :    18,847 kilometro kwadrado.
Topograpiya   :     Matataas ang mga lugar sa ibang bahagai, may mga lambak at makikitid
                                na  kapatagan.
Klima              :     Hindi tiyak ang mga buwan na maulan pero ang tag-init ay maikli lamang.
Mga Produkto:    Mga produktong galing sa pagmimina  at sa mga kayamanang gubat at tubig.

Linggo, Enero 10, 2010

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas

    1. Watawat :  Watawat ng Pilipinas
    2. Awit: Lupang Hinirang
    3. Wika:  Filipino
    4. Bayani:  Jose Rizal
    5. Bahay:  Bahay Kubo
    6. Puno:   Narra
    7. Bulaklak:  Sampaguita
    8. Prutas:  Mangga
    9. Dahon:   Anahaw
  10. Hayop:  Kalabaw
  11. Ibon:  Agila ng Pilipinas
  12. Isda:  Bangus
  13. Kasuotang Panlalaki:  Barong Tagalog
  14. Kasuotang Pambabae: Baro at Saya
  15. Laro:  Sipa
  16. Sayaw:  Cariñosa
  17. Ulam:  Lechon

1. Pambansang Watawat :  Watawat ng Pilipinas

       Pangunahing simbolo ng  ating bansa ang Watawat ng Pilipinas.
       Tatlo ang kulay nito - bughaw, pula at puti. Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa   pag-unlad ng bansa. Ang pula ay para sa kagitingan na magpapaalala sa matatag na kalooban ng mga       mamamayan. At ang puti ay para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino.
      Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas – Luzon, Mindanao at Visayas.
Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang  pangalan ay mula sa “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak sa bigas. Ito ay sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.
Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag sa  tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan  ang  kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas. 
Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan ay mula sa salitang masaya. Ito ay upang laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.
     Ang araw sa gitna ng tatsulok  ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan.  Ang walong sinag naman  kumakatawan sa mga   walong lalawigan na unang naghimagsik  upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan – Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite.
    Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito kung ang bansa  ay nasa digmaan. Kapag ang pulang kulay ay nasa itaas, nangangahulugan na ang Pilipinas ay nasa digmaan.
    Ang Watawat ng Pilipinas  ay dinesenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay unang tinahi sa loob ng limang araw sa HongKong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad.
    Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo noong  Hunyo 12, 1898.

2. Pambansang Awit :     Lupang  Hinirang

                                         Bayang Magiliw
                                         Perlas ng Silanganan,
                                         Alab ng puso
                                         Sa dibdib mo'y buhay.
                                         Lupang Hinirang,
                                         Duyan ka ng magiting,
                                         Sa manlulupig,
                                         'Di ka pasisiil.
                                         Sa dagat at bundok,
                                         Sa simoy at sa langit mong bughaw,
                                         May dilag ang tula
                                         At awit sa paglayang minamahal.
                                         Ang kislap ng watawat mo'y
                                         Tagumpay na nagniningning,
                                         Ang bituin at araw niya
                                         Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
                                         Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
                                         Buhay ay langit sa piling mo;
                                         Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi
                                         Ang mamatay nang dahil sa 'yo.    

        Ang himig ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe ayon sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo nang  hindi niya nagustuhan ang komposisyon ng isang Pilipinong nasa Hong Kong.
        Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina Magdalo”.  Tinugtog niya ito sa unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na nagkaisang aprobahan rito.
        Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang  bandila ng Pilipinas sa bintana ng mansion ni Aguinaldo.
        Pinalitan nila ng “Marcha Nacional Filipina” ang titulo nito at agad na naging “National Anthem” kahit wala pa itong liriko o  titik.
        Nang sumunod na taon, isang tula na may titulong  “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang isinulat  ng isang batang sundalo na si Jose Palma.  Ito ang ginawang opisyal na liriko ng Pambansang Awit.
        Noong Panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles ang liriko ng Pambansang Awit.  Ang unang pagsasalin ay ginawa ni Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpama’y pinaka-kilalang bersyon ang isinulat nina Mary A. Lane at Sen. Camilo Osias, na kilalang “Philippine Hymn”.
        Naging opisyal ang Pambansang Awit na may lirikong Ingles sa batas ng Commonwealth Act 382 na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong Disyembre 5, 1938.
        Noong mga taong 1940, nagsimulang lumabas ang bersyong Tagalog ng Pambansang Awit. Noong 1948, inaprubahan ng Departamento ng Edukasyon ang “O Sintang Lupa” bilang Pambansang Awit sa Pilipino.
        Noong 1954, si Gregorio Hernandez, Jr.,  Kalihim ng Edukasyon na ay bumuo ng komite para baguhin ang mga titik ng Pambansang Awit.  Nagawa ang bagong bersyon na pinamagatang “Lupang Hinirang”. Nagkaroon lang ito ng kaunting rebisyon noong 1962.
        Sa bisa ng isang batas sa mga  Bagong Pam-bansang Sagisag ng Pilipinas noong 1998, nakum-pirma ang bersyong Filipino  ng Pambansang Awit.
        Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng Pambansang Awit ang dapat gamitin ngayon. Ngunit, ang opisyal na liriko sa Kastila ay nananatiling ang gawa ni Palma at sa Ingles naman ay ang gawa nina Lane at Osias kahit hindi ito bahagi ng opisyal na Pambasang Awit ng Pilipinas.
        Ito rin ay dapat awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe.
        Dapat awitin nang madamdamin ang Lupang Hinirang.  At bilang paggalang, lahat ng uma-awit nito ay dapat nakaharap sa nakaladlad na Pambansang Watawat ng Pilipinas (kung mayroon) at kung wala naman, ay dapat humarap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas.  Bilang pagpupugay, dapat ilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit.

3. Pambansang Wika:              Filipino
  Aa       Bb        Cc         Dd     Ee        Ff         Gg         Hh       

 Ii          Jj          Kk         Ll      Mm     Nn        Ññ      NGng    

 Oo       Pp        Qq         Rr      Ss        Tt        Uu         Vv     

 Ww     Xx       Yy         Zz    


    Taong 1937, ang Instituto ng Pambansang Wika ay binuo ng Unang Pambansang Asembleya.  Pumili sila ng wikang pagbabasehan ng wikang pambansa.  Pinili nito ang Tagalog .  Ang Pambansang Wika ay nakilalang Pilipino  noong 1961.  Pagkaraan ng ilang taon, pinalitan ang pangalan nito ng  Filipino.
     Sa Saligang Batas ng 1987,  ang Filipino ang itinakdang  pambansang wika at isang opisyal na wika ng Pilipinas.
    Nagkaroon ng mga pagbabago ang alpabetong Pilipino hanggang naging 28  ang mga letrang bumubuo dito.
Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buwan ng Agosto. Karaniwang itinatapat ito sa Agosto 18 na kaarawan ni Pangulong Manuel L Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.  

4. Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal


        Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang noong Hunyo 19, 1861  sa Calamba, Laguna.
        Si Rizal ay pampito sa labing-isang  anak  nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo.   Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.
        Ang ama ni Rizal ay isang matagumpay na negosyante at magsasaka.  Ang kanyang ina, na may tindahan sa isang bahagi ng ibaba ng kanilang bahay ay matalino at edukada na mahilig sa literature at matematika.
        Lumaki si Rizal sa isang pamilyang sagana sa mga pangangailangan dahil sa kasipagan ng mga magulang.  Itinuturing na prominente ang kanilang pamilya sa panahon ng kolonisasyon.
        Mula sa kanyang kamusmusan ay sagana si Rizal sa pagkalinga at pagmamahal ng kanyang pamilya. Matiyaga siyang bina-basahan ng kanyang ina ng mga tula at kuwento sa gabi. Sa edad na  tatlo ay natuto na siyang sumulat at magbasa.
        Mula pagkabata, nasaksihan niya ang karahasan ng mga Kastila sa mga Pilipino.
        Edad 10 si Rizal nang pagbintangan ang kanyang ina sa isang kasalanang hindi nito ginawa.  Pinalakad si Donya Teodora nang mahigit 20 milya papunta sa kapitolyo ng Sta. Cruz ng mga Kastilang  opisyal na pinapakain nila sa kanilang tahanan.
        Sa kabila ng mga aksyong legal at mga apela sa Maynila, nakulong pa rin si Donya Teodora nang mahigit dalawang taon.
        Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, pinagbintangang kasabwat kaya pinatay ng mga Kastila ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Ang kapatid ni Rizal na si Paciano ay nagtago dahil guro nito si Padre Jose Burgos, isa sa tatlong paring martir.
        Upang makaiwas sa lalo pang pag-uusig ng mga Kastila, nagpalit ng apelyido ang pamilya.  Ang Mercado ay naging Rizal.
        Sa panahong iyon, pinag-iinitan ang mga Pilipinong matalino at may kakaibang kakayahan.
        Ngunit hindi nila napigilan si Rizal. Siya’y nakapag-aral sa magagandang eskuwelahan, natuto, lalong nahasa ang talino, kakayahan at talento at nakapaglakbay sa maraming panig ng mundo.
        Si Rizal ay nakilala bilang isang magaling na manggagamot, pintor, arkitekto, magsasaka, orador, guro, enhinyero, manunulat at iba pa.
        Inihayag ni Rizal ang kanyang pagiging makabayan at tumulong upang buksan ang isipan ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Ang pinakatampok niyang akda ay kanyang dalawang nobela na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”.
        Dahil sa kanyang mga panulat at sa adhikaing makalaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila,  si Rizal ay  pinaratangang taksil sa pamahalaan.  Siya ay ipinakulong at  binaril ng mga Kastila sa Luneta noong Disyembre 30, 1896.
 5. Pambansang Tirahan:    Bahay Kubo


       Ang tipikal na Bahay Kubo ay simple at munting tirahan na yari  sa mga materyal gaya ng kawayan, buho at  nipa o kogon.
      Sa panahon ngayon, ang Bahay Kubo ay  halos nakikita na lamang sa mga liblib na  lugar ng bansa at sa mga bukid. Karaniwan itong pahingahan ng magsasakang galing sa pagtatrabaho sa bukid.
Gayunpaman, ginagawa rin itong pang-akit sa  mga turista o bakasyunista sa mga piling pasyalan o pook-bakasyunan gaya ng mga resort.

6.  Pambansang Puno:   Narra

        Ang Narra ay matuwid, matigas, matibay at matatag na punongkahoy. Ang mga katangiang ito ng Narra ay maihahalintulad sa mga Pilipino.
        Ang Narra ay matatagpuan sa buong bansa ngunit ang karamihan ay sa Bicol, Mindanao at  sa Lambak ng Cagayan.
        Dahil sa magandang uri ng  kahoy nito, mainam itong gawing mga muwebles at gamit sa pagpapatayo ng mga bahay.

7. Pambansang Bulaklak:  Sampaguita

        Maputi at mabango ang Sampaguita. Simbolo ito ng kalinisan.
        Ang pagtitinda ng sampagita ay karaniwan na ring hanapbuhay ng ilang mga Pilipino. Tinatalian nila ito at ginagawang kuwintas, “corsage” o korona sa mga pagdiriwang.  Ginagamit din ang mga ito sa pag-welcam ng mga panauhin. Ang langis nito ay dini-distill at ipinagbibili.
        Ang Sampaguita ay naging Pambansang Bulaklak ng Pilipinas mula noong 1934.
        Ang bayan ng San Pedro, Laguna ay kilala bilang Bayan ng Sampaguita ng Laguna”.  Bilang pangunahing suplayer ng Sampaguita sa buong Laguna at Metro Manila, ang produksiyon nito ang isa sa mga pinagkakakitaan ng maraming mamamayan sa bayang ito.
        Ipinagdiriwang ang “Linggo ng Sampaguita” sa San Pedro, Laguna tuwing Pebrero 16 – 20.

8. Pambansang Prutas: Mangga

        Ang Mangga ay may iba’t ibang uri ngunit halos lahat ay hugis-puso.  Marahil ito ang isa sa mga pinagbasehan kung bakit ito ang naging Pambansang Prutas ng Pilipinas. Maaari kasi itong sumagisag sa pagiging mapagmahal ng mga Pilipino.
        Ang pangalan ng prutas na ito ay hango sa salitang Tamil na “maangai” o sa salitang Malayalam na “maanga”.  Pinasikat ito ng mga Portugis pagkatapos ng kanilang eksplorasyon sa India kaya naging “manga” sa Portugis.
        Ang Mangga ay may makinis na balat.  Karamihan ay dilaw ang kulay nito kapag hinog na.  Berde ang kulay nito kapag hilaw pa.
        Masarap itong kainin, hilaw man o hinog.
        Kapag hilaw, kadalasan itong tiniternuhan ng bagoong na alamang o asin at nilalagyan pa ng pampaanghang. Ginagamit din itong pang-asim sa sinigang na isda.
        Kapag hinog, masarap itong kainin kahit walang ibang halo. Kilala kahit sa ibang bansa ang pinatuyong matamis at hinog na mangga.
        Hilaw man o hinog, inihahalo ito sa mga  inuming pampalamig, “shake”, sorbetes at maging sa “pie”. 
        Karaniwan na ang puno ng Mangga sa maraming bahagi ng Pilipinas.  Tumataas ito hanggang 40 metro.
        Pagkatapos ng pamumulaklak, ang prutas ay umaabot ng 3 hanggang anim na buwan para mahinog.
        Dahil sa maraming produksyon ng Mangga sa Pilipinas, ito ay dinadala at ibinebenta na sa ibang bansa.  Partikular na kilala at hinahangaan ang magandang kalidad ng mga  Mangga sa isla ng Guimaras.
    Isa ang Pilipinas sa nangungunang 12 na bansa sa  buong mundo sa produksyon ng Mangga noong 2005.

9. Pambansang Dahon:       Anahaw

        Ang dahon ng Anahaw ay malapad na korteng pamaypay.
        Kapag tag-ulan, ginagamit ito ng mga magsasaka na panakip sa kanilang likod. Ito ay karaniwang tumutubo sa mga kagubatan sa maraming bahagi ng kapuluan.
        Ang dahon ng Anahaw ay ginagawa ring pamaypay, banig at  pambubong ng bahay.
        Ang puno nito na tumataas hanggang 20 metro at may diametrong 20 centimetro ay karamihang ginagamit sa mga palaisdaan. Ang kahoy nito ay ginagamit na haligi at sahig ng mga bahay sa kanayunan.  Maganda rin itong materyal sa paggawa ng pana, baston at iba pa.
        Ang buko ng Anahaw ay puwedeng gulayin.
        Inaalagaan din ang Anahaw bilang ornamental. Maganda itong pandagdag sa dekorasyon kapag may pagdiriwang.

10.  Pambansang Hayop:  Kalabaw

        Ang Kalabaw ay masipag, matiyaga, malakas at maamong hayop na inaalagaan ng mga magsasakang Pilipino. Ang mga katangiang ito ay maihahalintulad sa mga katangian ng mga Pilipino.
        Sadyang maasahan ang kalabaw sa  maraming gawaing-bukid lalo na sa pag-aararo at paghihila ng mga mabibigat na bagay.
        Ang kalabaw ay malaking hayop at karaniwang itim ang kulay.  Albinong kalabaw ang tawag sa hindi itim.
        Minsan lamang manganak sa loob ng isang taon ang kalabaw.
        Likas na tahimik ang kalabaw.  Bihira lamang itong mag-ingay.  Kalimitan, sa umaga at sa hapon ito nanginginain ng mga damo.
        Kapag hindi nagtatrabaho, ang kalabaw ay namamahinga sa putikan o kaya ay lumalangoy sa ilog.

11. Pambansang Ibon:  Agila

         Ang Agila ng Pilipinas na dating kilala bilang “monkey eating eagle” ay itinuturing na isa sa mga  pinakamalaki, pinakama-kapangyarihan, at pinakatanging uri ng agila sa buong mundo.
         Ang mag-asawang Agila ay magkasama habambuhay. Ang babae ay nangingitlog ng isa lang. At ang inakay ay inaalagaan ng mag-asawang Agila sa loob ng mga 20 buwan.  Dahil minsan lamang mag-prodyus sa loob ng 2 taon, mabagal silang dumami.
       Maaring mabuhay ang ibong ito sa loob ng 30 hanggang 60 taon ngunit nakakalungkot na sa kasalukuyan, isa ito sa mga ibon na “critically endangered” o nanganganib mawala.
       Kaya ang Philippine Eagle Foundation   sa pakikipagtulungan sa pamahalaan ay nagsisikap maprotektahan at maparami ang ibong ito. Ito ay sa suporta rin ng mga pribadong indibidwal na nagmamalasakit sa Agila ng Pilipinas.

12. Pambansang Isda:  Bangus

        Ang Bangus ay isang uri ng isdang tabang. Inaalagaan at pinalalaki ito sa mga palaisdaan.  Puti ang kaliskis nito at malinamnam ang laman. Bagama’t matinik ang Bangus, paborito ito ng maraming Pilipino.
        Karaniwang niluluto ang Bangus na inihaw, sinigang, paksiw, prito at pansahog sa mga gulay.  Masarap din itong gawing relyeno. Sa lutong ito, tinatanggalan na agad ng mga tinik ang Bangus. Karaniwan na rin sa mga pamilihan ang “boneless Bangus”. Bukod sa masarap, wala na itong tinik at lulutuin na lang. Tinatangkilik ito ng maraming mamimili.

13. Pambansang Kasuotang Panlalaki:   Barong Tagalog

        Ang Barong Tagalog ay panlalaking pormal na kasuotang na may burda.
        Ang salitang “Barong Tagalog” ay may literal na kahulugang “damit o baro ng Tagalog”.
Karaniwang gawa ito sa manipis at magaang tela tulad ng piña at jusi. Tak awt ang pagsusuot nito. Kadalasan itong ginagamit sa mga kasalan at mga pormal na pagdiriwang.
       Sinasabing ang pagsusuot nito ay nagsimula pa bago ang  panahon ng mga Kastila.
Ngunit may mga eksplanasyong historikal na nagsasabing nauso ang Barong Tagalog sa Panahong Kolonyal ng mga Kastila    noong 1565 hanggang 1898.
     Noong nagsimula ang pamumuno  ng mga Kastila sa Pilipinas, ipinatupad  nila  ang pagsusuot ng Barong Tagalog ng mga kalalakihang Pilipino.  Ito ay upang makilala agad ang mga Pilipino.
Isang dahilan diumano kumbakit tak awt ang pagsusuot nito at manipis ang telang ginagamit ay dahil mas angkop sa panahong tropikal ng  bansa.
     Ang isa pang sinasabing dahilan kaya ipinagbawal ang pag-tak in ng barong ay dahil palatandaan daw ito ng pagiging mas mababa ng mga katutubo. At kailangang  manipis  ang tela o  materyal na gagamitin ay upang hindi makapagtago ng armas na magagamit laban sa mga namumunong Kastila.  Ipinagbawal din ang bulsa sa Barong para maiwasan daw ang pagnanakaw.
     Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng tinatawag na “new middle class” o “principalia” sa mga Pilipino. Sila ang mga Pilipinong naging bihasa sa mga Batas ng Kastila, umunlad ang pamumuhay dahil nagtagumpay sa pagnenegosyo o sa pagsasaka at nagkaroon ng maraming lupa.
Nabigyan sila ng mga tanging prebilihiyo gaya ng pagtatayo malalaking bahay sa kabayanan at karapatang bumoto.  Pero  kailangan pa rin nilang mag-Barong Tagalog.
     Nakilala ang Barong Tagalog pagkatapos itong ideklara ng Unang Pangulo ng Pilipinas na si  Manuel L. Quezon bilang Pambansang Kasuotan. Pinaganda ang mga disenyo o burda at tela ng kasuotang sinasabing nagmula pa sa panahon bago ang mga Kastila. At ito’y naging opisyal na simbolo ng pagtutol ng mga Pilipino sa kolonisasyon.
     Lalo pang sumikat ang Barong Tagalog nang gamitin ito ni Pangulong Ramon Magsaysay sa mga pormal na pagtitipon lalo na sa kanyang pagkakatalaga bilang pangulo.  Siya ang unang Pangulo ng Pilipinas na gumamit ng Barong Tagalog sa kanyang “portrait”.
    Noong 1975, lalo pang nakilala ang Barong Tagalog nang iproklama  ni Pangulong Ferdinand Marcos ang opisyal na “Linggo ng Barong Tagalog” (Hunyo  5 – 11).  Ito ay sa layuning palawakin ang paggamit ng nasabing kasuotan.
    Ngayon, paborito pa rin ng mga Pilipino ang Barong Tagalog.  Ginagamit ito sa mga pormal na pagdiriwang at tanging okasyon. Tak awt pa rin ang pagsusuot nito. Pero ang mga disenyo at tela ay mas pinagaganda pa.
    Isang malaking pinagkakakitaan ng mga Batangueño ang industriya ng Barong Tagalog.

14. Pambansang Kasuotang   Pambabae:        Baro’t Saya

    Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino.
Ang Saya ay mahabang palda na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito.
     Kadalasan, ang dalawang pirasong kasuotang ito ay may kasama ring tapis na ginagamit na pampatong sa saya at alampay na pantakip sa dibdib.
    Habang lumilipas ang panahon, ang saya ay halos nananatiling simple. Ang baro naman  ay nagkaroon ng iba’t ibang disenyo. Hindi lang lalong gumanda kundi naging  bongga ito dahil sa mga burda, sekwins at iba pang palamuti na inilalagay dito.

15. Pambansang Laro:  Sipa

      Ang larong Sipa ay sumasagisag sa pagiging mabilis sa mga hakbanging dapat isagawa.
Ang mga manlalaro ay gumagamit ng maliit na bakal na may buntot o kumpol ng mga goma o tinastas na sako.  Sinisipa ito ng mga manlalaro.
     Ang Sipa ay katumbas din ng Sepak Takraw na ang layunin ng mga manlalaro ng bawat grupo ay patagalin ang bola sa ere.

16.  Pambansang Sayaw: Cariñosa

        Ang Cariñosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong Pilipinas. Ang salitang Cariñosa  ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay mapagmahal, maganda, o palakaibigan.
        Gamit ang pamaypay o panyo, ang mga mananayaw ay ay mga hakbang ng pagtataguan at panunukso na naghahayag ng damdamin sa isa’t isa.  May mga iba pang bersyon ang sayaw na Cariñosa pero ang “Taguan” ang pinakakaraniwan sa lahat.

17.  Pambansang Pagkain: Lechon (Buong Baboy na Inihaw)

        Ang Lechon o buong Baboy na inihaw ay paboritong handa ng mga Pilipino sa mga pistahan at mga tanging pagdiriwang.
        Simbolo ito ng kasaganaan dahil ito ay karaniwang nakikita sa hapag at handaan ng mga Pilipinong nakaririwasa ang pamilya.