Rehiyon I
Ilocos
Ilocos
Lokasyon : Hilagang Kanlurang Luzon, baybayin ng Timog Dagat Tsina
at kanluran ng Bulubunduking Cordillera.
Sakop : Mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union
at Pangasinan. May walong lungsod dito: Laoag, Vigan,
Candon, San Fernando Dagupan, San Carlos, Urdaneta
at Dagupan.
Kabuuang Sukat : 12, 840.2 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Maraming burol at kabundukan. Malawak ang kapatagan
ng Pangasinan pero ang iba ay makitid ang lupain
Klima : Tuyo at mainit mula Oktubre hanggang Abril. Ang ibang mga buwan ay
maulan at dumaraan ang mga bagyo sa panahong ito pero hindi gaanong
mapaminsala dahil sa mga bundok dito.
Salita/Diyalekto : Ilokano, Pangasinense
Mga Produkto: Mga pananim tulad ng tabako, palay, bawang, bulak at iba’t ibang gulay;
mga kagamitang yari sa kawayan, tulad ng upuan, basket, palamuti at iba
pa; telang “abel-Iloco” na maaaring gawing tuwalya, bata de banyo, punda
o kurtina; nga produktong yari sa kabibe, gaya ng lampara, ash tray,
plorera, at iba pang palamuti; asin, bagoong at bangus; mga kagamitang
yari sa putik gaya ng burnay, banga at kalan; at ang isang uri ng alak na
tinatawag na “basi”.
Rehiyon II
Lambak ng Cagayan
Lambak ng Cagayan
Lokasyon : Hilagang Silangang Luzon na pinaliligiran ng mga bulubundukin ng Sierra
Madre sa Silangan, Bundok Cordillera sa kanluran at Bundok Caraballo
sa timog.
Sakop : Mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
May tatlong lungsod ito: Santiago, Cauayan at Tuguegarao.
Sukat : 26,837.7 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Binubuo ng isang kapuluan, mga lambak, burol, kabundukan, at baybayin.
Klima : Iba-iba ang nararanasang klima rito. Maulan ang hilagang bahagi nito at
maging sa silangan kung saan maulan sa buong taon at daanan pa
ng bagyo, lalo na ang Batanes. May maigsing tag-init na karaniwan ay isa
hanggang tatlong buwan lamang ang kanlurang bahagi nito samantalang
maulan ang ibang buwan. Sa iba pang bahagi ng lambak ay mainit.
ng bagyo, lalo na ang Batanes. May maigsing tag-init na karaniwan ay isa
hanggang tatlong buwan lamang ang kanlurang bahagi nito samantalang
maulan ang ibang buwan. Sa iba pang bahagi ng lambak ay mainit.
Mga Produkto: Mga pananim tulad ng tabako, palay, mais, kape, mani, at mga gulay; tulad
ng kalabasa, talong, kamatis, at iba pa.
CAR – Cordillera Administrative Region
“Summer Capital of the Philippines”
Lokasyon : Cordillera.
Sakop : Mga lalawigan ng Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Mt. Province,
at Baguio City.
Sukat : 18,293.7 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Bulubundukin.
Klima : Halos malamig sa buong taon.
Mga Produkto : Mga mina, tulad ng ginto, pilak, tanso, sink, at sulphur; mga pananim gaya
ng palay na pangunahing produkto, patatas, carrots, taro, at iba pang gulay;
mga produkto ng pangangaso at paglililok; mga hinabing dyaket, sweater,
bahag, table cloth na gawa sa telang wool o balat ng hayop.
Region III – Gitnang Luzon
“Banga ng Bigas ng Bansa”
“Banga ng Bigas ng Bansa”
Lokasyon : Gitnang Kapatagang Luzon.
Sakop : Mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan at
Bataan. May sampung lungsod – Balanga, San Jose del Monte,
Cabanatuian, Palayan, San Jose, Munoz, Angeles, San Fernando, Tarlac
at Olongapo.
at Olongapo.
Sukat : 18,238.8 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Binubuo ito ng pinakamalawak na kapatagan sa buong bansa ngunit
mabundok ang kanlurang bahagi nito.
Klima : Tag-init mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan naman mula sa mga
buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.
Mga Produkto: Mga pananim gaya ng palay na pangunahing produkto, mais, tubo, at iba
pang gulay; mga produktong mina gaya ng chromite at mga mineral, tulad
ng nickel, platinum at palladium; mga isda; at mga produktong panluwas sa
ibang bansa.
NCR – National Capital Region
“Sentro ng Pamahalaan, Edukasyon, Relihiyon, Kultural at Sosyal,
at Industriya at Kalakal ng Buong Bansa”
at Industriya at Kalakal ng Buong Bansa”
Lokasyon : Nasa pinaliligiran ito ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, Cavite at
Laguna sa bandang Timog at Manila By sa kanlurang bahagi.
Sakop : Binubuo ito ng labindalawang lunsod: Manila, Caloocan, Pasay,
Quezon, Makati, Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa, Las Pinas,
Paranaque, Marikina at Valenzuela at limang munisipalidad : Malabon,
Navotas, Pateros, San Juan at Taguig.
Sukat : 636 kilometro kwadrado.
Klima : Mainit sa mga buwan ng Enero hanggang Mayo at maulan sa ibang buwan.
Mga Produkto: Mga produktong gawa sa balat gaya ng sapatos, bag, at sinturon
sa Marikina; mga produktong mula sa dagat tulad ng asin, kabibe, at isda
sa Las Pinas; balut sa Pateros; at mga produktong mula sa maraming
palaisdaan at pabrika sa Navotas, Malabon at Valenzuela.
Rehiyon IV – Timog Katagalugan o Katimugang Luzon
“Pinakamalaking Rehiyon sa Bansa”
“Pinakamalaking Rehiyon sa Bansa”
Lokasyon : Timog-kanlurang Luzon, gawing kanluran ng Karagatang Pasipiko at
silangan ng Timog Dagat Tsina.
Mga Sakop : Mga lungsod at lalawigan ng San Pablo at Calamba sa Laguna; Cavite;
Tagaytay at Trece Martires sa Cavite; Batangas, Tanauan, at Lipa sa
Batangas; Calapan sa Oriental Mindoro; Puerto Princesa sa Palawan;
Lucena sa Quezon; at Antipolo sa Rizal.
Sukat : 46,924.1 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Binubuo ng mga pulo, kapatagan, bundok, burol, at bulkan.
Klima : Maulan sa mga lalawigan ng Aurora, Quezon, timog-silangang Batangas,
Marinduque, at Oriental Mindoro. Sa timog-silangang Palawan at Romblon
naman ay nakararanas ng tatlong buwan na tagtuyo at tag-ulan sa mga
natitirang buwan. Madalas daan ng bagyo mula sa Dagat Pasipiko ang
rehiyon na ito.
Mga Produkto: Mga pananim gaya ng palay, kape, pinya, saging at iba pang mga prutas
at gulay; kopra; isda; asin; karneng baka; inukit na pigurin; burdadong
tela; banig; basket at sombrero; di metal na mineral at marmol
Rehiyon V – Bicol
“Rehiyon ng Abaka”
“Rehiyon ng Abaka”
Lokasyon : Nakahimlay sa landas ng bagyo mula sa Dagat Pasipiko papuntang Dagat
Tsina sa gawing Timog-Silangan ng Luzon.
Mga Sakop : Mga lungsod at lalawigang Legazpi, Ligao, at Tabaco sa Albay; Masbate
sa Masbate; Sorsogon sa Sorsogon; at Naga at Iriga sa Camarines Sur.
Sukat : 17,632.5 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Tinatawag itong tangway dahil halos naliligid ng tubig ang anyo ng lupa
nito. Hindi patag ang lupa. Mayroong bundok, lambak, pulo at bulkan.
Klima : Maulan sa buong taon at may mga bahaging halos walang tag-araw.
Daanan ito ng mga bagyong nagmumula sa Karagatang Pasipiko
patungong Dagat Tsina.
Mga Produkto: Mga pananim gaya ng abaka, palay, niyog at pili;mga produktong dagat;
at mga produktong panggubat at mineral, gaya ng ginto, tanso, at bakal.
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
“Pinakamaunlad na Rehiyon sa Bansa”
“Pinakamaunlad na Rehiyon sa Bansa”
Lokasyon : Pagitan ng Dagat Visayas at Dagat Sulu.
Sako : Mga lungsod at mga lalawigang Roxas sa Capiz; Iloilo at Passi sa
Iloilo; at Bacolod, Bago, Cadiz, Kabankalan, La Carlota, San Carlos,
Sagay, Talisay, Victorias, Escalante, Himamaylan, Sipalay, at Silay sa
Iloilo; at Bacolod, Bago, Cadiz, Kabankalan, La Carlota, San Carlos,
Sagay, Talisay, Victorias, Escalante, Himamaylan, Sipalay, at Silay sa
Negros Occidental; Antique, Aklan, at Guimaras.
Sukat : 20,223.2 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Malawak ang kapatagan na may mga burol at bundok sa looban nito.
Sa mga lalawigan nito ay may nagdaraang mga ilog.
Klima : May dalawang panahon: tag-ulan at tag-araw ang malaking bahagi
ng rehiyon. Tumatagal lamang ng isa hanggang tatlong buwan ang
tag-araw sa Capiz, Illoilo, at silangang bahagi ng Panay.
tag-araw sa Capiz, Illoilo, at silangang bahagi ng Panay.
Mga Produkto: Nangunguna sa produksyon ng asukal at pumapangalawa sa produksyon
ng palay sa buong bansa; isda; mga telang gawa sa jusi at pinya; at mga
produktong galing sa pagmimina sa kabundukan gaya ng tanso.
Rehiyon VII – Gitnang Visayas
“Sentro ng Kalakal sa Katimugang Pilipinas”
“Sentro ng Kalakal sa Katimugang Pilipinas”
Lokasyon : Pagitan ng Silangang Visayas at Kanlurang Visayas.
Mga Sakop : Mga lungsod at Lalawigan ng Cebu, Danao, Lapulapu, Mandaue, Talisay,
at Toledo sa Cebu; Bais, Canlaon, Bayawan, Tanjay, at Dumaguete sa
Negros Oriental; at Tagbilaran sa Bohol; at Siquijor.
Sukat : 14,951.5 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Mabundok at maburol ngunit may mga bahaging lambak at kapatagan. ….
Klima : May ulan ngunit hindi marami sa buong taon. Sa ilang bahagi ay hindi
malinaw ang panahon ng tag-ulan ngunit maigsi lamang ang tag-init.
At may mga bahagi ring pantay ang distribusyon ng ulan sa buong taon.
At may mga bahagi ring pantay ang distribusyon ng ulan sa buong taon.
Mga Produkto: Mga pananim gaya ng mais, palay, mga gulay, niyog, at asukal; mga
produktong galling sa pangingisda at pag-aalaga ng mga hayop; mga
saganang kayamanan ng kabundukan gaya ng karbon, tanso, at batong
lupa na ginagawang simento, ginto, limestone at uling.
Rehiyon VIII – Silangang Visayas
Lokasyon : Gawing silangan ng buong kapuluan ng Visayas; nakaharap sa
Karagatang Pasipiko at nasa hilagang-kanluran nito ang Dagat Visayas.
Mga Sakop : Mga lungsod at lalawigan ng Calbayog sa Kanlurang Samar, Tacloban at
Ormoc sa Leyte; Maasin sa Timog Leyte; Hilagang Samar, Biliran,
Silangang Samar, Leyte at Timog Leyte
Sukat : 21,431.7 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Maburol ang Samar. Mabundok at patag ang pulo ng Leyte
Klima : Maulan sa buong taon sa hilaga at silangan ng Samar at timog-silangan ng
Leyte. Halos walang tag-araw.Malalakas na pag-ulan ang nararanasan sa
mga buwan ng Disyembr hanggang Pebrero. Daanan ng bagyo ang
Silangang Samar. Ngunit may pantay na tag-ulan at tag-araw sa kanlurang
bahagi ng Samar at Leyte.
Mga Produkto : Mga pananim gaya ng palay, mais, at niyog; isda; mga mahahalagang
mineral tulad ng tanso, ginto at pilak; mga di-metalik na mineral tulad ng
buhangin, graba, at bato.
Rehiyon IX – Kanlurang Mindanao
“Zamboanga Peninsula”
“Zamboanga Peninsula”
Lokasyon : Timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Sakop : Mga lungsod at lalawigan ng Dapitan at Dipolog sa Zamboanga del Norte,
Pagadian at Zamboanga, Zamboanga del Sur, at Basilan.
Sukat : 21,051.1 kilometro kwadrado.
Pagadian at Zamboanga, Zamboanga del Sur, at Basilan.
Sukat : 21,051.1 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Isang malaking tangway at may malawak na kabundukan at mga
kagubatan.
Klima : Maulan sa sa buong taon at napakaikli ang tag-araw.
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Lokasyon : Hilagang-silangan ng buong MindanaoSakop : Mga lungsod at lalawigan ng Oroquieta, Ozamis, ay Tangub sa Misamis
Occidental; Cagayan de Oro at Gingoog sa Misamis Oriental;
Malaybalay at Valencia sa Bukidnon; at Iligan sa Lanao del Norte.
Sukat : 14,032.9 kilometro kwadrado.
Topograpiy a : Iba’t iba ang anyong lupa rito – malawak na kapatagan, talampas,
makikitid at malalalim na lambak; at pulo.
Klima : Maulan sa buong taon at maigsi ang tag-araw.
Mga Produkto: Nickel; troso at kopra; mga pananim tulad ng pinya, mais, saging, kape at
abaka, lansones at mga halamang ugat; at mga produktong galing sa mga
alagang hayop na baka.
Rehiyon XI – Timog Mindanao o Rehiyong Davao
Lokasyon : Katimugang bahagi ng Mindanao.
Sakop : Mga lungsod at lalawigan ng Tagum, Samal Island Garden at Panabo sa
Davao del Norte; Davao at Digos sa Davao del Sur; Davao Oriental;
South Cotabato, Saranggani at ng Lunsod ng Davao.
Sukat : 19,671.8 kilometro kwadrado.
Topograpiya : May mga bahaging mabundok, kapatagan at bulkan.
Klima : Maulan sa halos buong taon pero hindi daanan ng bagyo.at may
mga bahaging halos walang tag-araw.
Mga Produkto: Abaka, niyog, saging, durian at troso; orkidyas; mais, palay at pinya
Rehiyon XII – Gitnang Mindanao
“Kamalig ng Palay sa Mindanao”
Sakop : Lanao del Norte, Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, Lunsod ng
Cotabato, at Lunsod ng Marawi.
Sukat : 18,498.9 kilometro kwadrado.
Topograpiya : May mga bahaging talampas, bundok at kapatagan.
Klima : Maiksi at di gaanong mainit ang tag-araw. Madalas ding may ulan ngunit
katamtaman ang lakas nito at pantay sa buong taon.
Mga Produkto: Abaka, palay, niyog, saging, kape, mani, patatas, repolyo, beans at iba pang
gulay.
ARMM – Autonomous Region in Muslim Mindanao
Lokasyon : Gawing hilaga ito ng Dagat Celebes,
Sakop : Lanao del Sur (maliban sa Lunsod ng Marawi), Maguindanao (maliban
sa Lunsod ng Cotabato), Sulu at Tawi-Tawi.
Sukat : 11,836.2 kilometro kwadrado.
Topograpiya : May mga bahaging mabundok at mga pulo na napaliligiran ng dagat.
Klima : Maikli ang tag-init at hindi matindi ang init sa bahaging Lanao del Sur
samantalang halos maulan sa buong taon bagama’t hindi dinaraanan ng
bagyo ang Sulu at Tawi-Tawi.
Mga Produkto: Mga perlas, isda, bangka, kasangkapan, sandata at mga hinabing tela na
ginagawang malong.
Region XIII – Caraga Administrative Region
Sakop : Lunsod ng Butuan at Surigao; at ng mga Lalawigang Agusan del Sur,
Agusan del Norte, Surigao del Sur, at Surigao del Norte.
Sukat : 18,847 kilometro kwadrado.
Topograpiya : Matataas ang mga lugar sa ibang bahagai, may mga lambak at makikitid
na kapatagan.
Klima : Hindi tiyak ang mga buwan na maulan pero ang tag-init ay maikli lamang.
Mga Produkto: Mga produktong galing sa pagmimina at sa mga kayamanang gubat at tubig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento