Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelago. Binubuo ito ng 7,107 na mga pulo. Ang mga pulo ay hinati sa tatlong malaking pangkat. Ang mga ito ay ang Luzon, Vizayas at Mindanao.
Para sa mas maayos na pamamalakad sa buong bansa, hinati-hati ito sa mga rehiyon. Noong 2002, mayroon nang 17 rehiyon ang Pilipinas. Ang 16 dito ay hinati-hati naman sa 81 na mga probinsya o lalawigan. Bawat lalawigan ay binubuo ng mga bayan. At ang bawat bayan ay binubuo ng mga barangay.
Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay mga Pilipino. Iba’t ibang dyalekto ang sinasalita sa iba’tibang lugar ng bansa.
Hiwa-hiwalay man ang mga pulo at kanya-kanya man ang mga diyalekto ng mga tao, ang Pilipinas ay isang bansa na dapat ipagmalaki ng bawat Pilipino.
Note: Ang mapa ay mula sa http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Map_Philippines_2005.gif
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento